Lakbay Panday 2.0

Lakbay Panday 2.0

Nito lamang GPP 2023 ay natanggap ko ang kauna-unahang Lakbay Panday- ang 5 years in service. Habang kami po ay nasa sasakyan at ako ay nagmumuni-muni, napaisip ko na limang taon na pala akong nasa Pandayan. Bilis ng araw at oras dahil di ko akalain na limang taon na pala akong namumuhay na may impluwensiya ng Kultura ng Tagumpay. Naisip ko ano nga ba ang rason kung bakit. Naalala ko ang mga ngiti ng bawat bata sa tuwing merong workshops/Alyansa o Sining Sigla, ngiti ng mga Panauhing na meet ang expectation ng bawat pasadya, ngiti ng mga Panauhin na ok ang liquidations ng mga papel ng kanilang mga MOOE purchases, ngiti ng mga kapwa na alam nilang meron silang makakapitan at makaksama sa paglutas ng kanilang mga problema, at higit po sa lahat ang ngiti ko sa pagtupad ng aking mga pangarap at pangarap ng pamilya ko. Kasama ang Pandayan sa pagtupad ng mga ito. Kung aking bibilangin ang mga biyayang meron ako simula nang magtrabaho ako sa Pandayan ay hindi magkakasya ang daliri ng aking mga kamay at paa para dito. Kung kaya naman ay magpapatuloy pa rin po ako sa paglilingkod sa mga susunod pang taon nang walang hinihintay na kapalit at walang sawang paggawa ng tama. Malayo pa, pero malayo na. Padayon!